CHAPTER THREE

1903 Words
NANLALAMIG ang buong katawan ni Jean sa pinagsamang takot at kaba. Bitbit niya ang isang tray kung saan nakalagay ang isang apat na kopita at isang mamahalin na wine. Dadalhin niya ang mga iyon sa isang sekretong kwarto kung saan nagsusugal ang mga elististang tao kasama na ang kanyang boss na si Travis Rigor. Magulo, maingay at maraming tao ang nagsasayaw sa magaslaw na musika. Lungga kasi ng mga mayayaman na tao na mahilig gumimik ang Travis Bar. Walang nakakaalam na sa likod ng bar na iyon ay nagatatago ang isang pasugalan kung saan ang halaga ng pustahan ay umaabot ng milyon-milyon. Kahit ang mga empleyado ay hindi alam na may ganoong operasyon sa bar na iyon. Pili lang kasi ang pinapasok. Nagkataon na pinagkatiwalaan siya ng manager na si Rolan Veluz. Paanong hindi siya pagkakatiwalaan ni Rolan Veluz gayong kasangakapan siya nito para sa mga binabalak nito? Kasabwat pa nila ang apat in-charge sa security at ang balasador na si Damian. Ito ang nagbigay ng signal na pwede ng salakayin ang mga nagsusugal sapagkat umabot na twenty million ang pustahan ng dalawang mesa kalakip na ang mga alahas na suot ng mga ito. Hindi pa kasama ang pustahan sa dalawa pang mesa. Sa kabuan aabot sa mahigit fifty million ang matatangay nila na pera. Delikado ang gagawin nila at pakiramdam niya ay doon na rin magtatapos ang buhay niya pero wala siyang ibang mapagpapipilian dahil b-in-lackmail na siya ni Rolan. Tinakot siya nito na papatayin ang kanyang magulang at nag-iisang anak kung hindi siya makikipagtulungan sa mga binabalak nito. Akala niya noong una ay napakaswerte niya dahil malaki ang natatanggap niyang tip ngunit hindi niya akalain na kaakibat pala ng lahat ay malalagay sa alanganin ang buhat niya at maging ang mahal niya sa buhay. Pinagsisihan niya kung bakit siya pa ang pinili ni Rolan na bigyan ng permiso na makapasok sa silid ng pasugalan. Lingid sa kaalaman ng marami na si Rolan ay pinuno ng isang sindikato. Madali lang dito kumita ng limpak na pera pero pinili pa rin ang mag-apply bilang manager ng sa Travis  Bar para may access ito sa mayayaman. Noong nakaraang buwan ay ito ang nasa likod ng pag-kidnap ng anak ng haciendero sa Negros na si Angela. Regular customer ng bar ang naturang babae. Halos gabi-gabi itong naroon kasama ang mga barkada nito na pawang anak mayaman din. Madalang araw ng lumalabas ng bar at halos hindi na makalakad ng tuwid dala ng kalasingan. Pinagplanuhan ni Rolan ang lahat. Balak sana nito na kidnap-in ang buong magbarkada ngunit noong gabi na gagawin na nito ang binabalak ay si Angela lang ang dumating sa bar. Hindi na nito gusto pang ipagpaliban ang lahat kaya si Angela lang ang naging biktima nito – nang lumabas sa bar at papunta na sa parking lot ay bigla na lang hinila ng mga tauhan nito papasok sa loob ng isang van na walang plate number. Malinis magtrabaho si Rolan. Nagawa nitong ipatubos si Angela sa halagang tatlong milyon na hindi ito nabubuko na ito ang nasa likod ng lahat. Hindi na nagawang makipag-ugnayan ng magulang ni Angela sa mga pulis sapagkat tinakot ang mga ito ni Rolan na papatayin ang anak oras na magsumbong.  Sigurado siya na hindi ito nagbibiro sa bagay na iyon. Dalawang buwan na ang nakakalipas at hindi na muling nagpakita si Angela sa Travis Bar. Marahil nagsilbing malaking leksyon dito ang nangyari. ‘Huwag kang panghinaan ng loob, Jean,’ wika niya sa kanyang utak. Sa kabilang banda, oras na magtagumpay sila ay hahatian siya ni Rolan ng tatlong million. Sapat na ang halagang iyon para mamuhay ng  hindi nagugutom. Bago pa siya naging waitress sa Travis Bar ay tumutulong siya sa kanyang magulang sa pagtitinda ng mga prutas. Mayroon silang maliit na fruit stand sa palengke. Ngunit dumating ang malaking problema sa buhay nila. Nabulag ang kanyang ama dahil sa sakit na diabetes. Idagdag pa na single mother lang siya at may kapatid na isang autistic – si Jake. At ang fruit stand lang ang pinagkukunan nila ng pera kaya kinailangan niya maghanap ng trabaho bago pa tuluyan na malugi ang kanilang negosyo. Sa ngayon, ang kanyang kapatid na lang niya ang nagbabantay sa fruit stand dahil hindi makaalis sa bahay ang kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang anak at ama. Bagaman may kapansanan si Jake ay kahit papaano ay nakakaintindi ito sa nangyayari sa paligid. Mild lang naman ang kaso ng autism nito. Marunong ito magbilang at makisalamuha kasama ang mga normal, iyon nga lang hindi nito kaya makabuo ng isang pangunusap. Pautal-utal. Mayroon din itong hindi makontrol na kilos at pag-uugali ngunit magpagayun pa man ay hindi kailanman naging pabigat sa kanila si Jake. Sigurado na tutugisin sila ng boss niyang si Travis at ng iba pang kasama nito sa pagsusugal ngunit may nabuo nang plano si Rolan kung paano sila makakatakas at hindi matutunton. May koneksiyon si Rolan sa kapitan ng isang container ship.  Dadaan ang barko sa Malaysia at doon sila muna pansamantalang maninirahan sa nasabing bansa bilang illegal alien. Pakakalmahin muna nila ang lahat bago bumalik sa Pilipinas. Sa pagitan ng mga daliri niya ay may mga nakaipit na maliliit na kapsulang pampatulog. Ihuhulog niya ang mga iyon kapag sa mga kopita habang nagse-serve ng wine. Ilang buwan din siyang sinanay ni Rolan na gawin iyon. Sa kasalukuyan ay masasabi niya na eksperto na siya dahil kahit ang mga kasamahan niya sa ganoong modus kasama na si Rolan ay napatulog niya ng harap-harapan. Hindi nahalata ng mga ito na may inilagay siya sa alak ng mga ito. Kumatok siya sa pinto. Isang security guard na may malaking katawan ang nagbukas ng pinto. Agad siya nitong pinapasok na hjindi na kinapkapkapan pa. Marahil ay nagtiwala ma ito sa kanya. Halos lahat kasi na pumapasok doon ay tintingnan muna kung ano ang mga dala. “Thank you, Henry,” sabi ni Jean sa sekyu. “Free ka ba mamaya, Jean?” Umiling siya na may kasamang ngiti. “Busy ako. Mag-aalalaga pa ako sa anak ko pagkatapos ng duty ko dito.” “Kailan kaya tayo makakalabas?” “Hindi ko alam. Sige, Henry,” aniya. Tinalikuran na ito. “Jean.” Tumigil siya sa paglalakad. Hindi siya lumingon. Hinintay niya na makalapit sa kanya si Henry. Mas lalo siyang kinabahan nang makitang nakatingin ito sa kanyang daliri. “H-henry.” “Bibili sana ako ng singsing para sa iyo kaya titingnan ko ang sukat ng daliri mo.” “Huwag!” sabi niya na iniwas ang kamay na may hawak na tray. “Bakit Jean?” “Please lang, Henry! May asawa kang tao. Isa pa, hindi mo ako nobya!” “Jean, unang kita ko pa lang sa iyo alam kong mahal na kita.” May tonong pagsusumamo sa boses ni Henry. Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ito ng masama. Nang makita niya na tumiklop ito ay muli niya itong tinalikuran. Akala niya ay hindi siya nito pipigilan ngunit hinawakan siya nito sa braso. “Henry, ano ba!” mariin niyang sabi. Mukhang ito pa ang magiging dahilan ng pagkabulilyaso ng plano nila. “What’s happening here?” Si Rolan. Lumapit sa kanila. Awtomatiko naman siyang binitawan ng security guard. “Wala po, Sir. Pasensya na,” sabi ni Henry. Nakayuko. “Go back to your place,” utos ni Rolan. Pagkatapos ay binalingan siya. “At ikaw naman, kanina pa hinihintay ang wine mo.” “Sorry, Sir.” Naglakad na siya. Nakasunod sa likuran niya si Rolan. Nasa hallway pa lang sila papunta sa kwarto ng mismong pasugulan. “Kumalma ka, Jean. Halatang tense kang masyado,” bulong ni Rolan mula sa kanyang likuran. Sinong hindi matatakot sa gagawin nila? Sa kasalukuyan ay hindi talaga niya alam kung paano pakakalmahin ang nanginginig na katawan. “Alalahin mo ang buhay na ang pamilya mo, Jean. Oras na magtagumpay tayo dito, magiging sagana na ang buhay niyo. Pero oras din, na aatras ka ngayon ay alam mong may paglalagyan kayo ng pamilya mo.” Pinanlamigan si Jean sa narinig. “Huwag mong galawin ang pamilya ko, Rolan!” “Kaya ayusin mo ang trabaho mo.” anito na nagpatiuna ng naglakad. Nauna na itong nakarating sa pinto ng pasugalan. May pinindot itong numero sa electronic door. Hinintay muna siya na makapasok bago pindutin ulit ang pinto upang isara. Naging mabuway ang pagtayo niya nang makita ang mga elististang tao na may mga hawak na baraha. Napuno rin ng usok ang naturang kwarto sapagkat karamihan ay naninigharilyo. Iba’t-ibang personalidad ang naroon. Business tycoon, senador at iba pang mga sikat na personalidad gaya ng mga artista. Hindi nga niya akalain na ang isang sikat na drama queen ay karelasyon pala ang isang politiko na may asawa. Sa palabas kasi ay inosente ito at hindi makabasag pinggan. Nakaramdam si Jean ng pagkahilo. Naduduwal din siya dahil sa sobrang nerbiyos at takot. Ngunit wala siyang magagawa kundi ituwid ang likod dahil lihim na nakatingin sa kanya si Rolan na may pagbabantang titig. Lumapit na siya sa kinaroroonan ng table ng kanyang boss na si Travis Rigor. Nagpaskil siya ng isang matamis na ngiti sa labi. “Good evening, Sir,” bati niya. “Here’s your wine.” Hindi pinansin ng kanyang boss ang pagbati niya. Kung sabagay hindi niya ito kailanman na narinig na nagpasalamat. Naka-concentrate lang ito sa baraha habang may nakaipit na tabaco sa daliri. Lihim siyang sinulyapan ng balasador na si Damian pagkatapos ay lumipat ang mata nito sa patong-patong na pera sa gitna ng table. Indikasyon na iyon  na ang tamang pagkakataon para patulugin na ang mga elistitsa. Ibig sabihin ay nasa last round na ang mga ito. Literal kasi na pera at mga alahas ang pustahan at hindi token. Nakita rin niya na bundok-bundok na rin ang pot money sa dalawa pang table. Lihim na pinatibay ni Jean ang loob. Nagsimula na siyang maglagay ng wine sa bawat kopita. Pagkatapos ay tumabi siya sa likuran ng mga ito. May namumuong butil ng pawis sa noon ni Jean ngunit pinalalamigan siya ng katawaan. Kasabay ng bawat patak ng segundo ay ang malakas na pagkabog din ng kanyang dibdib. Parang mapuputulan siya ng hininga habang hinihintay na simsimin na ng mga nagsusugal ang wine. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay may inilgay na siyang gamot pampatulog doon. “Wine!” utos na ng isang Senador na kaharap ni Travis. Agad siyang lumapit. Sa pagkakaalam niya ay aabutin ng sampu hanggang bente minutos o mahigit ang bago makaramdam ng pagkaantok ang mga ito. Ngunit inisang tungga lang ng Senador ang kopita, dapat sana ay naging mabilis ang pagtalab nang gamot dito. Habang nilalagyan ng wine ang iba kopita ng Senador ay nakita niya na tumungga na rin ang iba pa. Muli siyang palihim na nagwisik ng gamot pampatulog sa kopita ng Senador at muli siyang tumayo sa likuran. Lihim siyang nakatingin kanyang relong pambisig. Kinse minutos na ang nakakaraan. Ibig sabihin anumang sandali ay eepekto na ang gamot. “Isa pang wine!” Mando na naman ng Senador. Muli niyang sinalinan ng wine ang kopita nito. “Sandali! Ano iyang sang daliri mo?” Kasabay nang pagsita ng Senador ay paghawak nito sa kanyang kamay. Nakuha nito sa daliri niya ang kapsula. “Ano ang ibig sabihin nito?!” Dumagundong ang boses nito. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang maglabas ng baril na galing sa kanyang mini skirt. “Hold up!”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD