“JAKE, ano ba ang nangyayari?” tanong ni Aling Gina. Hirap ito sa pagtakbo kaya kailangan pa na alalayan ng isa sa mga tauhan niya. “Saka na ako magpapaliwanag.” “Bakit tinatawag ka nilang Travis?” Hindi siya sumagot bagkus ay binuhat niya si Jennica na noo’y walang tigil sa pag-iyak dahil nakatingin ito sa pinanggalingan nila kung saan wala nang habas ang palitan ng putok ng mga baril. “Baby, huwag kang tumingin diyan. Ipikit mo lang ang mga mata mo at isubsob mo ang mukha sa balikat ko.” Tumalima naman ang paslit hindi pa rin tumitigil sa malakas na pag-iyak. Lima sa tauhan niya ang sumama sa kanila. Gustuhin man niya na bumilis ang tumakbo nila ay hindi niya magawa dahil hindi makaagabay sa kanila ang ina ni Jake. Si Jean din ay halos hindi maihakbang ang mga paa dala ng panghihin