UNTI-UNTING minulat ni Travis Rigor ang kanyang mga mata. Sa pamamagitan ng nanlalabong paningin ay puting kapaligiran ang una niyang nakita. Inakala niya na iyon na ang tinatawag na langit, ngunit sa kabilang banda ay naisip rin niya kung matatanggap ba sa langit ang tulad niyang ubod ng sama? Sinubukan niyang igala pa ang paningin. Bukod sa oxygen tank ay nakita rin niya ang mga aparato at dextrose na nakabit sa katawan niya. Naririning din niya ang tunog ng cardiac monitor na alam niya na sa kanya iyon. Hindi pa tuwid ang linya. Buhay siya! Napagtanto rin niya na ang puting nakita niya sa unang pagmulat ng mata ay kurtina na tumatabing sa bintana na yari sa salamin. May babaeng pumasok na nakasuot ng puting uniporme. Nurse. “Sir! Gising ka na!” gulat na sabi nito. Tinunghayan siya. “