KASALUKUYAN na humihigop ng kape si Travis Rigor habang nasa terrace na bagong bili niyang bahay. Dalawang palapag iyon at may mahigit na sampung kwarto. Sinigarudo niya na may play area at swimming pool dahil nabanggit sa kanya ni Jennica na pangarap nito magkaroon ng ganoong bahay. Hindi pa niya inililipat doon ang pamilya ni Jake dahil marami pa siyang aayusin na gusot. Una sa lahat ay nasa kamay pa rin niya si Marvin at batid niya na kumukuha lang din ng tiyempo si Mr. Dela Cruz. Alam niya na wala na itong maibubuga ngunit ayaw din niya magbigay ng kumpyansa dahil masyado niya itong minaliit noon at hindi niya akalain na makakaganti sa kanya. Nakita niya ang pagpasok ng isang sports car at nag-park sa harap ng malaking bahay. Bumababa mula doon si Fred. Tuloy-tuloy na pumasok. Ilang