CHAPTER FIFTY-TWO

1916 Words

NAKANGITI si Travis Rigor habang pinapanood ang mga mahal niya sa buhay na sama-samang nilalantakan ang pina-cater niyang pagkain. Kompleto ang mga ito. Kabilang na si Fred na sinama pa ang mag-ina nito. Nakikita niya rito na desidido itong magbago. Sana ay tuloy-tuloy na at wala nang magiging hadlang. Nasa isang pribadong beach resort sila. Buo ang kasiyahan niya na makita ang dalawang pamilya. Balak nilang manatili doon ng tatlong araw upang lubos na masulit ang pahinga at pag-bonding nila. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na mararamdaman ang ganoong katiwasayan. Pakiramdam niya ay buo na ang pagkatao niya. Matapos lang ang problema niya sa mag-amang traydor ay payapa na ang kalooban niya na tanggapin na wala na siya sa mundo. May sapantaha siya na kaya ni Jake na paalisin siya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD