"Shane!" galit na pinigil ko ang kamay nito nang mahawakan ko ang dalagang akma nang sasakay sa kotse nito. "Ano ba, Brent?" inis na sabi n'ya rito. "Itikom mo 'yang bibig mo, Shane! Itikom mo!" piniga ko ang panga nito sa sobrang gigil. "Ano ba?" itinulak nito ang kamay ko."Takot kang malaman nila ang ginawa mo? Baka nga pati si Zack 'pag nalaman n'ya eh mapatay ka n'ya! 'Wag kang masyadong pakampante, Brent. Sa dami ng kasalanan mo kay Lisse na hindi ka n'ya mapapatawad kapag nalaman n'ya ang ginawa mo noon!" "Shut up!" "Bakit? Takot kang malaman n'ya? Patay naman na si Apple. Hiwalay na kayo ni Lisse. Ano pang ikinakatakot mo?" sinabayan pa nito iyon nang tawang sarkastiko. "Oh baka iniisip mo mas lalong bababa 'yang p*********i mo kapag nalaman nilang baog ka---simula't sapu