Sobrang tahimik lang ni Lisse. Habang nakayakap ito sa kabaong ni Apple at nakaupo sa upuang katabi ng kabaong. Ang huling iyak nito ay nang makita nito si Apple sa morgue ng hospital. 'Yong iyak na punong-puno nang sakit, pangungulila at galit para sa mga taong gumawa nito sa kanyang anak. Nakaupo lang ako rito sa katapat na upuan. Habang si Brent ay nakasandal sa pader sa gilid ng funeral home na kinaroroonan namin. Hindi ito pinigilan ni Lisse or kahit ng ama nito. They let Brent to be here. Ayon sa ama ni Lisse, tatay pa rin ito ni Apple. Hindi ito umiiyak pero tulala itong nakatitig sa pwesto namin particular sa ataul na kinahihimlayan ng kanilang anak. Walang gaanong tao. Mga kakilala, step mom ni Lisse, mga staff at mga kasambahay sa mansion. Kanina iyak rin nang iyak ang yaya ng