"Loloooo!" humahagikgik na sabi ni Apple sa akin nang lumabas ito sa halaman na pinagtataguan nito. "Got you, pumpkin!" tumakbo ito palapit at yumakap sa mga hita ko. Habang ang mama Lola nito ay may dalang refreshments na request ng bata. "Mama Lola, it's my favorite!" tili nito. "Lahat naman favorite mo!" pabirong sabi ng ginang na pare-pareho nilang ikinatawa. Hinawakan ko sa kamay si Apple at sabay na lumapit sa table. "Yaya, pakipunasan ng pawis!" agad na lumapit si Yaya Divine para punasan ang alaga ng pawis. Panay ang bida ni Apple sa mga natutunan nito sa teacher nito na matyagang nagpupunta rito sa mansion. "You know what, Lolo, Mommy said soon we can visit malls and parks again! I'm so excited!" sabi nito na humagikgik pa. "How about beach? It's summer already, Lolo w