Mabilis na umusad ang kaso sinunod nga ni Brent ang kasunduan na tutulong ito na mapabilis ang annulment naming dalawa. Isa rin sa dahilan ay kumilos ang pera ng aking ama at connection nito. Nagising na lang ako isang araw dala na ng abogado ang magandang balita. At ang una kong tinawagan ay si Zack. Gusto kong ibahagi rito ang magandang balita. "Really? Congratulations, Lisse!" dama ko ang saya nito sa tinig pa lang. Kahit ako ay umaapaw ang galak sa dibdib. Naisip kong oras na para ibalik ko sa normal ang buhay ko. Kahit si Apple na matagal na rin sa mansion ng Lolo nito. Gusto kong maging malaya na ulit ang anak ko. Ayoko nang gulo kaya naman nag-come up ako sa idea na kapalit ng 'di ko pagdedemanda sa mga ito ay layuan ang anak ko. Kakausapin ko si Brent sa usaping ito. Hindi kami