Chapter 38 3rd Person's POV Dinala ni Faramir si Gemma sa isang building kung nasaan ang unit ni Faramir. Hindi pa din ni Faramir maintindihan kung bakit sinabi ni Gemma na gusto nito pumunta sa unit niya kung kakausapin lang ulit siya nito about sa engagement party. Pumasok sila sa elevator. Tiningnan ni Gemma ang sarili sa salamin na nasa loob ng elevator katabi si Faramir na nakatingin sa kabilang direction. Ayaw siya nito tingnan. Nasa magkabilang bahagi sila ng elevator. May mga pumasok na lalaki. Napatigil ang mga ito at napatingin kay Gemma. Ngayon napansin ni Gemma ang suot niya— tanging naka tube lang siya na pinatungan ng coat at leggings. Agad siya lumapit kay Faramir na kinatingin ng binata. Nakita ni Faramir na naiilang si Gemma sa mga lalaking nakatingin sa katawan ni

