Rebirth of the Tyrant's Princess- 39

2215 Words

Chapter 39 3rd Person's POV "Grrr! Bakit hindi ka na naman pumasok?" asar na bungad ni Gala sa kapatid na babae. Ngumiwi si Gemma at tinanong kung pwede ba papasukin siya muna. "Mamaya mo na ako sermonan kuya nakakahiya sa fiance ko," ani ni Gemma na sinapo ang noo. Napatigil si Gala at tumingin sa lalaking nasa likod ni Gemma. "Pasok kayo," ani ni Gala at bingyan ng daan ang dalawa. "Hindi na paalis na rin ako. Hinatid ko lang dito si Gemma," ani Faramir. Hinawakan siya ni Gemma at hinila papasok. Tinungo nila anag hagdan pagkatapos humalik sa pisngi ni Gala si Gemma. "Gemma!" sigaw ni Gala. Tumawa si Gemma at nag-i love you sa kapatid. Sinabing bababa din siya. Pinasok ni Gemma si Faramir sa room niya. Napatigil si Faramir matapos may maramdaman na kakaiba sa room ni Gemma.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD