Chapter 13 3rd Person's POV "Iyon ba ang dahilan kaya ka inaatake ng anxiety mo?" tanong ni Kieran. Hindi umimik si Gallema matapos siya iharap ni Kieran. "Kung magiging mabuti akong asawa at masunurin— makakabawi ako. Akala ko sapat na iyon pero mali ako. Tuwing nakikita ko sina Giovanni at kanina si Rairan— nandidiri ako sa sarili ko. Tuwing naalala ko na minsan akong tumabi sa kama kasama sila habang ikaw mamatay-matay sa paghahanap sa akin at pilit na iniintindi ang ugali ko." "Iyong mga oras na paulit-ulit ko tinatapakan ang pride mo at iyong mga sinakripisyo mo para sa akin. Para iyong mga sumisira sa ulo ko at lagi kong napapanaginipan," ani ni Gallema at iyon ang totoo. Pinipilit niya maging okay ngunit pakiramdam niya kapag hindi niya pa nasabi iyon kay Kieran— sisirain 'non

