Chapter 12 3rd Person's POV Balot na balot si Gallema 'nong bumaba siya sasakyan at pumunta sa university ni Loki. Sabado 'non kaya napagpasyahan ni Gallema na pumunta sa university nito. Kasunod nito si Realm at Draken— kasama sina Jade. Hawak ni Jade ang mga laruan para kay Loki at ilang damit. Patungo sila kung nasaan ang dorm nang may makita siyang mga hindi pamilyar na tauhan. Nakatutok ang mga b***l nito sa mga tauhan ng mga Hidalgo na bantay ni Loki. Nabitawan ni Gallema ang dala niyang lunch box matapos makitang may lalaking humihila kay Loki na nagwawala at umiiyak. Naiyukom ni Gallema ang mga kamao at sumugod. Sinipa nito ang dalawang lalaki na humihila sa anak niya. Galit na galit ito habang nakapako ang tingin sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan na bahagyang nagulat

