Chapter 10 3rd Person's POV "Kamusta ang background nila?" tanong ni Jade kay Enrico na kasalukuyang may hawak na files. "Okay naman ang background nila. Wala naman kahina-hinala. Bukod sa totoong may boyfriend iyong Frances at piniperahan lang siya. May kaya din ang pamilya ng tatlong babaeng iyan," ani ni Enrico. Kinuha nila ang files ng mga ito mula sa office. "Ha? Natural hair mo iyan?" hindi makapaniwala na tanong ng isa sa tatlong babae. Tumayo pa ito at hinawakan ang buhok ni Gallema. "Natural nga ang buhok niya," ani ni Frances at namamangha na tinitingnan ang buhok ni Gallema. Kasalukuyang nagkakatuwaan ang tatlo nang pumasok na ang professor nila. Nagpaalam na sina Frances at sinabing mamaya ulit. Napangiti si Gallema at kumaway lang. Bumalik na ang mga ito sa kani-ka

