Chapter 09 3rd Person's POV Nakarating sina Gallema at Giovanni sa parking lot. Walang gaanong tao doon. Binuksan ni Giovanni ang sasakyan sa pag-aakalang sasama sa kaniya si Gallema. "May mga body guard ako na nasa loob. Hindi ko sila pwede iwan at nandito ako hindi para sumama sa iyo," ani ni Gallema. Napatigil si Giovanni. "Anong ibig mong sabihin? Gallema— wala na ang mga body guard mo. Pagkakataon na ito para tumakas," ani ni Giovanni. Napa-pokerface si Gallema at nag-cross arm. Sa kabilang linya napatigil si Kieran matapos marinig ang boses ni Gallema at Giovanni. Hindi siya maaring magkamali doon. "Bakit kasama ni Gallema si Giovanni?" ani ni Kieran. Nag-bigay ng signal si Jade na tanda ng emergency at hindi niya akalain na pag-open niya 'non boses nina Gallema ang maririn

