Chapter 28 3rd Person's POV Dahil sa depression at stressed. Hindi pa due date ng panganganak ni Gallema ay napaanak na ito. Ilang beses napunta sa peligro ang buhay ng batang si Loki dahil doon. Humanap ng magagaling na doctor sina Thadeus para iligtas ang bata at magandang hospital. Hindi ito pinabayaan ni Kieran kahit anak ito ni Gallema sa ibang lalaki. Nakatayo si Kieran sa labas ng isang private room kung saan kasalukuyang naka-incubator ang batang si Loki. "Hindi ko maintindihan pinuno— bakit nagi-insist ka na buhayin ang bata. Hindi mo naman siya anak," ani ni Thadeus. Kung mamatay ang bata dahil sa pagiging reckless ni Gallema wala na silang kinalaman doon. "Walang kasalanan ang bata, Thadeus," bulong ni Kieran habang nakapamulsahan at nakatingin sa sanggol. Hindi niya m

