Chapter 27 3rd Person's POV "Apo, kasintahan ni Rairan si Gallema diba? Sigurado ka bang pakakasalan mo ang babaeng iyon?" tanong ng lola ni Kieran na hindi naman kasama sa timeline ng past nila. Ito ang kumuha at nagpalaki sa kaniya matapos mamatay ang ina nila sa aksidente na alam niyang si Legis ang may gawa. Lola niya ito sa side ng daddy niya habang si Legis naman ay kinuha ng lolo nila sa side ng mommy nila. Mapapatay niya si Legis sa ganoon na edad kaya nagdesisyon siya sumama sa matandang nagpakilala na ina ng daddy nila. Pinili niyang lumaki sa bahay ng lola niya kahit pa nasa pareho silang bahay ni Rairan. Ngumiti si Kieran at umupo sa tabi ng matanda. Hinawakan ni Kieran ang kamay ng matanda at sinabing nakapagdesisyon na siya. "Kung iyan ang desisyon mo apo ay hindi k

