Chapter 26 3rd Person's POV Nilagyan ni Kieran ng kumot ang h***d na katawan ni Gallema matapos niya ito linisan. Umupo si Kieran sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok ni Gallema na humahara sa mukha nito. "Matagal kitang hinintay Gallema— bakit ngayon ka lang bumalik?" ani ni Kieran. Hinawakan ni Kieran ang kamay ni Gallema at hinalikan ang likod ng mga palad nito. "Ilang beses ko tinangka sabihin sa iyo kung gaano ako nasasaktan. Iyong takot at pangungulila ko sa iyo— lahat iyon tiniis ko. Iyong sinasabi mong pride— matagal kong tinanggal iyon sa sistema ko kasi kung paiiralin ko iyon sa timeline na ito— mawawala ka sa akin ng tuluyan." Sinubsob ni Kieran ang mukha sa likod ng mga palad ni Gallema. "Kaya kong itapon lahat kahit ang sarili ko para sa iyo— katulad ng

