Chapter 25 3rd Person's POV "Hindi ka ba marunong bumasa ng sitwasyon. Idiot— para lang hindi ka makapasok ng school niyaya mo ang parents mong sunduin ang lolo mo sa airport," ani ni Raven at sinamaan ng tingin si Loki. Kung uupo lang si mom at hindi kikilos— hindi sila magkakaayos. "May soft side si lolo kay mom Mapapatawad siya agad ni lolo," ani ni Loki. Nameywangan si Raven. "Sinabi ko ng iba ang sitwasyon ngayon Loki. Iba ang Gallema sa panahon na ito at nakilala ng lolo mo," ani ni Raven. Umismid si Loki at sumandal sa sofa. Sa kwarto— tahimik lang si Gallema habang nakaupo sa gilid ng kama. Lumapit si Kieran at umupo sa tabi ng asawa. "Kung hindi ka pa pwede tayong hindi pumunta." Mabilis na umiling si Gallema at tumingin kay Kieran. "Pagkakataon ko na ito para makausa

