Chapter 44 3rd Person's POV "Mahal na prinsesa. Anong binabalak mo? Babalik na tayo ng saiseven at gusto mo na mag-act tayo na parang walang nangyari?" hindi makapaniwala na sambit ni Greg. Kasalukuyan ito inaayusan nina Jane na kasalukuyan din mga nag-aalala. "Napag-usapan na natin ito Sir Greg diba? Nandoon ka 'nong gumagawa tayo ng plano kasama ang emperor," sagot ni Gallema. Niyukom ni Greg ang kamao at tiningnan ang prinsesa. "Ngunit kung hindi umayon lahat sa plano maari kang mapahamak prinsesa. Paano kung tuluyan ng na manipula ng emperor ang hari at gamitin siya sa iyo. Mahal na prinsesa— maari kang mapahamak," ani ni Greg. Nilingon siya ng prinsesa. "Sir Greg, hindi ako natatakot. Isa pa nandoon ka. Hindi mo ako papabayaan," may ngiti na sambit ni Gallema. Hindi nagsalita