Chapter 45 3rd Person's POV Nang gabi na at ayos na ang tent. Nilabas ni Gallema ang emperor sa bag. "Ayos ka lang ba sa loob ng bag ko?" tanong ni Gallema. Habang nasa biyahe sila ginawa niya lahat para hindi gaanong magalaw ang bag. "Ayos lang ako. Natulog lang naman ako sa bag sa buong paglalakbay," sagot ni Kieran at umupo sa makapal na comforter. Tiningnan niya ang mga kamay. Hangga't suot niya ang kwintas na binigay ni Thadeus kung saan pipigilan nito ang enerhiya niya at mapapaliit ang katawan. Wala na dapat isipin si Kieran. "Nagugutom ka ba? Gusto mo kuha ako sa labas?" tanong ng prinsesa. Nag-angat ng tingin si Kieran. "Ayos lang ako. Marami akong kinain sa bag mo. Hindi ako nagugutom," ani ng emperor. Humiga ang emperor sa comforter at tumagilid. Tiningnan siya ni