Chapter 86 3rd Person's POV Nanginig ang knight at napaluhod. Ganoon din ang mga knight na nandoon dahil sa takot. "So? Tama ang nakarating sa amin na report?" Kinuha ng lalaki ang kahoy at nagulat ang lahat matapos ihampas iyon ni Gaara sa mukha ng knight. Tumawa si Garan matapos makita ang kawa ng lugaw na binibigay sa mga tao. "Ito ba ang pagkain na pinakakain niyo sa mga tao?" tanong ni Garan. Lumipad iyon at nabuhos sa mga knight. Nagsisigaw ang mga ito dahil sa init. Umiiyak ang mga tao dahil sa pagkain. Tinapon ni Gaara lahat ng mga pagkain aa lamesa at tiningnan ang mga kawal ng Hidalgo. "Lahat ng mga pagkain dalhin niyo dito. Bilisan niyo ang kilos," malamig na sambit ni Gaara. Agad na kumilos ang mga knight abg Hidalgo. Sinabi ni Gaara na lahat ng knight na naka-as

