Chapter 87 3rd Person's POV Nang gabi na iyon naging mahaba ang pag-uusap ni Sol at Yago. Kinuwento din ni Sol kung paano nakarating si Valeria sa palasyo at hinarang ang karwahe na nagdadala ng mga babae sa palasyo ng hari. Natawa si Yago dahil doon. Kinuwento din ni Sol kung paano siya nahanap ni Valeria at hinila ang tenga niya para umalis sa pastulan ng tupa. Sa ganoong paraan naliwanagan si Yago. Nakatulog si Sol dahil nakarami na din ito ng inom. Tumingin si Yago sa labas— doon nakita niya ang napakalaking buwan. Noong nasa pagitan siya ng buhay at kamatayan dumating si Valeria. Naalala niya ang mukha ni konsorte. Kung gaano ito kaganda 'nong buhay pa ito. Mas lalo pa itong gumanda 'nong huli niya itong nakita. Inantok na din si Yago kaya sumubsob na lang ito sa lamesa m

