Epilogue 3rd Person's POV Bago kumagat ang dilim nakarating sila sa lugar kung saan ilang taon nag-stay sina Gallema. Sinabi ni Gallema na doon sila nanatili noong umalis sila ng palasyo ng ilang taon. "Oh my god! Arkin ang lugar na ito. Ito ang bahay natin dati— buo pa ito," ani ni Jade na naiiyak. Naalala niya na doon sila lumaki nina Valeria. Bumakas ang lungkot sa mukha ng hari matapos makita ang pamilyar na bahay. Inutusan ng mga prinsipe ang mga knight na maghanda na ng makakain at magpahinga na ang lahat. Pumasok sina Gallema sa loob. Hinila ni Gallema si Gemma pataas para ituro ang kwarto niya doon. Lumikha ng apoy si Sol at naglagay ng mga ilaw si Gaiden sa buong kabahayan. Habang naghahanda ang lahat. Lumabas ang hari ng bahay at tinungo ang daan papasok ng gubat. Wal

