Chapter 73 3rd Person's POV "Lumulutang na isla? Nandoon ang mga kalahi ni Raven?" ulit ni Gallema. "Malaking isla iyon. Dalawang pinagsamang kontinente ang laki. Hindi lang ako sigurado kung may mga raveno pa bang nage-exist na katulad ni Raven," sagot ni Sol. Biglang nalungkot si Gallema. "Extinct na din ba sila katulad ng mga raveno na may puting pakpak?" tanong ni Gallema. Napatigil si Yago sa pag-inom ng kape matapos marinig ang sinabi ni Gallema. "Isang raveno ang dating empress. Masyadong espesyal ang empress dahil may mga puti itong pakpak at may kakayahan itong manganak," ani ni Yago. Lumingon si Sol. "Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit umabot ng ganiyang level ng kapangyarihan mo. May dugo kang raveno," sagot ni Sol. Isang beses lang maaring manganak ang mga raven

