Chapter 72 3rd Person's POV Nang araw na iyon inasikaso agad ni Gallema ang mga sulat na ipapadala niya sa mga kaibigan niya sa mga lugar na malayo sa capital. Nanatili si Gallema sa opisina ni Kieran na busy din sa paghahanda para sa pangalawamg atake at pakikipag-usap kina Tartarus para sa plano. Sumilip si Loki sa pintuan. Nakikita niya ang ina at ama na parehong busy. Hindi ko lingid sa kaalaman ni Loki ang nangyayari sa border at ang nalalapit na giyera sa pagitan ng mga Saiseven at ethereal. Naglakad si Loki paalis doon habang hawak ang baba niya na parang malalim ang iniisip. "Anong iniisip mo?" tanong ni Raven matapos makitang ilang minuto ng tahimik si Loki. Kasunod nito sina Flakes na kasalukuyang nagu-usap usap tungkol sa nangyayari na kaguluhan sa labas ng border. "

