Chapter 71 3rd Person's POV Nang-araw na din iyon nakapag-teleport sina Gallema sa labas ng palasyo. Agad na yumuko ang mga kawal na nandoon matapos makita ang hari. "Whoa ito na ba ang palasyo mo Mavis?" komento mi Tartarus. Nakahinga nga maluwang si Gallema matapos makitang ayos lang ang lahat sa ethereal. Pagpasok nila sa loob ng gate. Napatigil si Gallema at Gemma matapos makita ang patung-patong na katawan sa trangkahan at nasa tabi 'non si Draken na mukhang susunugin ang mga katawan. Nawalan ng kulay ang mukha ni Gallema matapos maisip ang ama, mga kapatid ang dalawang bata at sina Jane. "Sina Loki!" ani ni Gallema na bahagyang nag-panic. Maya-maya nakita niyang tumatakbo palapit sa kanila ang mga bata. "Mom!" sigaw ni Loki. Lumiwanag ang mukha ni Gallema matapos makita s

