Chapter 70 3rd Person's POV "Ako lang ba o talagang ang bilis ko lang talaga mapagod. Feeling ko nasu-suffocate ako," ani ni Gallema na nakatayo malapit sa pond kasama si Gemma at Jade. "Siguro dahil sa kapangyarihan ng emperor na nasa katawan mo. Ayos ka lang ba?" tanong ni Gemma. Nakatalikod ang dalawa at katabi ng mga ito si Jade na napalingon. Nakita niya si Tartarus, Kieran at isang lalaking may blond na buhok at kulay gintong mga mata. Napakagwapo nito. Hindi na inabalang itago ni Sol ang tunay niyang anyo dahil hindi naman ordinaryong tao si Gemma at ang priest. Parehong dugo ang nanalaytay sa dugo ni Gallema kaya wala dito epekto ang kapangyarihan niya. Lumingon sina Gemma at Gallema. Napatigil si Sol matapos makita ang mukha ni Gallema na sobrang kamukha ng kapatid niya.

