KABANATA 32: NAGING mas madalas pa ang pagpunta ni Sir Gideon sa Strip Club at talagang kada gabi, siya lang ang nag-te-table sa akin. Mayroon na ngang nagreklamong customer dahil gusto akong i-table pero palagi niyang inuunahan. At dahil nakonsensya na rin ako na binabayaran niya ang gabi ko pero hindi ko naman siya kinakausap, tumatabi na ako sa kanya at nakikiinom. Alam kong marupok ako sa pagkakataong ito, pero wala naman akong magawa dahil mas nauna pa akong susuko kaysa sa kanya. Mag-iisang buwan na rin niya akong binabalik-balikan sa Strip Club at binabayaran ang gabi ko! “Masama ang pag-iinom, huwag mo namang dalasan, Sir. Sige ka, hindi na titigas ‘yan,” natatawang sabi ko. Mabilis ding naglaho ang inis ko sa kanya dahil nga sa kabaitan ni Sir at sa galing niyang manuyo. Ala