KABANATA 31: OBVIOUS, nararamdaman ko, pero ayaw kong maging assuming. Gusto kong sa kanya na muna manggaling ang salitang ‘yon kaysa sa akin. Mas mabuti nang sinarili ko na lang ang pagiging assume-era ko! “E kung sinasabi mo na lang kaya sa akin kaysa manghula ako nang manghula at ma-praning kung bakit nagkakaganyan ka? Ano bang tingin mo sa akin? Anak ni Madam Auring?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Nakakairita lang. Iyong tipong problemado na nga ako, pinapoproblema niya pa ako sa pag-iisip niya pa ako. Nararamdaman ko namang may nararamdaman siya sa akin, pero hindi ko sigurado kung lib*g ba o may gusto siya sa akin. “Gusto kita, Val…” Sumeryoso ako nang marinig iyon mula sa kanya. “Gustong ano? Gustong kant*tin?” “Val… kahit hindi natin ‘yon gawin, I still want to be with