KABANATA 25: TUMATAWAG si Sir Gideon sa akin pero hindi ko na siya sinagot pa. Binlock ko ang number niya sa cellphone ko mula ng matuklasan kong may fiancee na pala siya. Alam kong tumawag lang naman siya para ipaalam na hindi na niya i-re-renew ang kontrata naming dalawa. Ayaw ko na lang marinig ang kumpirmasyon mula sa kanya. Alam kong magiging masakit iyon para sa akin. Magiging masakit sa akin dahil… alam ko naman sa sarili ko na nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya. Mabuti na lang na mas maagang natapos ang kahibangan ko, kaysa naman umabot pa sa puntong hulog na hulog na ako sa banga! Jusko, bakit ko ba kasi inisip na pwedeng magkagusto sa akin si Sir Gideon? Mahirap lang ako at pokp*k, samantalang isa siyang mayamang mayamang CEO na may-ari ng ilang branch ng sikat na pagawaa