KABANATA 24: NAGING mabilis ang takbo ng mga araw at malapit nang umabot ng tatlong buwan ang kontrata namin ni Sir Gideon. Mas naging clingy at mas napapadalas pa ang pagtawag niya sa akin para may mangyari sa aming dalawa. At dahil nga sa madalas naming pagkikita, naging mabilis ang progress ni Sir Gideon, gumagaling na siya at marunong nang kumilos kahit hindi ako tinatanong. Nakaka-proud, at the same time ay kinakabahan ako kung ano ang mangyayari kapag natapos na ang kontratang ito. Mag-re-renew pa ba siya? O hindi na? “Girl, blooming na blooming tayo, ah? Madalas na bang madiligan?” natatawang tanong ni Sazha. Nagpaalam pa talaga ako kay Sir Gideon na pupunta ako rito sa Strip Club para bisitahin sina Sazha at Rina. Ayaw ko na kasing mangyari ulit iyong nangyari dati na nagalit si