KABANATA 56: GABI na pero hindi pa rin nakakarating si Gideon dito sa farm na pinagdalhan sa akin nina Matias at Alana. Hindi ako mapakali sa loob ng kwartong pinag-s-stay-an ko rito na katabi lang ng kwarto nina Matias at Alana. Ewan ko ba, pero naiisip ko kasi ang ginagawa nilang dalawa. Nakakainggit, buti pa sila nag-l-loving loving na pero ako ito, longing! Sa harap ng bahay kung saan kami mag-s-stay, napagpasyahan kong doon na lang muna manatili. Umupo ako sa isang tila papag na nakalagay sa harap lang mismo ng bahay. Kanina, dito sabay-sabay na kumakain ang mga babaeng farmer. Hindi ito lamesa, two in one ang dating. Kumbaga dito na sila nakaupo at dito na rin sila kumakain. Hindi naman na bago sa akin ang ganito dahil sa probinsya kung saan kami nakatira, may ganito rin. Naupo a