KABANATA 55: NAGISING akong masakit ang buong katawan dahil sa ginawa namin ni Gideon kagabi. Partikular na sa gitna ng aking mga hita. Nakalimang beses ba naman naming ginawa… ay hindi, anim yata o pito? Tumagilid ako para harapin si Gideon na ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Tinitigan ko ang mukha niyang mahahaba ang pilikmata, ang matangos niyang ilong at ang mamula-mula niyang labi. Napakagwapo niya… Akala ko dati matandang hukluban na lang talaga ang end game ko, dahil sila ang mga mayayamang kayang bayaran ang gabi ko. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng kasing-gwapo, kasing-yaman at kasing-bango ni Gideon… “Don’t look at me like that.” Nabigla ako nang magsalita siya. Kaagad akong lumayo pero hindi ko na nagawa nang hawakan niya ang beywang ko at hapitin palapit sa kanya