KABANATA 6:

1176 Words
KABANATA 6: HINDI AKO SIGURADO kung may nalabag nga ako sa kontrata naming dalawa. Kaya nang umalis na ang lalaking gusto raw'ng mag-avail ng kotseng ine-endorse ko, kaagad niyang hinawakan ang kamay ko at balak na sana akong kaladkarin paalis sa pwesto ko. “Sir! Hindi pwedeng umalis ako rito, may trabaho pa ako.” “The last time I know, you have an exclusive contract with me,” aniya sa nanlilisik na mga mata. “Diyos ko, Sir! Opo alam ko po. Ang kaso tumitirik na lang ang mata ko sa kahihintay na tawagan mo ako, hindi mo naman ako tinatawagan. Hindi ba pwedeng mag-sideline naman ako?” Tumaas ang kilay niya saka iginala ang mga mata sa paligid bago tuluyang binitiwan ang kamay ko. Mukhang na-realize niya yatang maling hinahatak-hatak niya ako rito. Ang daming nakatingin! Baka isipin ng iba na isa siyang manyak na nanghahatak ng sexy na kagaya ko! “I will let this go, but next time I won’t let you do side jobs like this,” he replied. Galit na umalis siya sa harap ko habang ako ay halos hindi pa rin makahinga. Nang sa wakas ay nakalayo na siya sa akin, doon pa lang ako tuluyang nakahinga nang maluwag. Nananahimik na sana ako, kaya lang ay itong intrimiditang si Patty, kinalabit ako! Nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay habang ang labi ko ay nakangiti—ngiting aso! Dahil nanggigigil ako, sure na makiki-chismis na naman ang empaktang ito. “Boyfriend mo?” kunwaring painosenteng tanong niya. “Ano bang narinig mo?” balik-tanong ko. “Narinig kong boyfriend mo raw siya.” “O edi boyfriend ko, narinig mo naman pala bakit kailangan mo pang magtanong?” Pairap na sagot ko sa kanya. Namilog tuloy ang mga mata niya at tila nagulat sa isinagot ko sa kanya. “Ang sama naman ng ugali mo! Nagtanong lang ako, e.” Hindi ko na siya sinagot sa pagkakataong iyon, mabuti na lang at umalis na siya dahil baka hindi pa ako makapagpigil at makurot ang singit ng babaeng iyon. Napaka-obvious niya masyado! Halatang nagtanong para maki-chismis! Ilang beses pa kaming pinicture-an, nakipag-diskusyonan sa customers at halos three hours din akong nagtiis sa sakit ng paa ko nang dahil sa high-heels na suot ko bago natapos ang event. Mabuti na lang talaga at hindi ko na nakita si Sir Gideon sa event dahil baka siya pa ang ikamatay ko—cause of death: nervousness. May namamatay kaya sa nerbyos? Baka ako pa lang ang kauna-unahan! Nagbihis ako ng black loose-shirt at maiksing shorts nang pumasok si Patty sa dressing room. Hindi pa siya nakakapagbihis. “Tawag ka ng boyfriend mo!” aniya sa masungit na tono. “Nakakahiya naman, ako pa tuloy ang inutusang magtawag sa ‘yo.” “Ay, maraming thank you po!” sagot ko. Dinampot ko na ang tsinelas ko at isinuot iyon bago ko isinukbit ang bag sa balikat ko. Hindi ko na sana siya papansinin kaya lang e humirit na naman ang gaga. “Hindi mo ‘yon boyfriend, ‘no? Customer mo yata iyon. Sino bang papatol na gwapo sa ‘yo? E ‘di ba, balita ko pokpok ka?” Imbes na patulan ay nginitian ko na lamang siya. “Alam mo, kung inggit ka, pwede ka namang pumikit. Palibhasa ang mga pumapatol sa ‘yo, puro pangit!” Nanlaki ang mga mata niya at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. E, totoo namang puro pangit ang mga pinapatulan niya. Nakikita ko kaya sa mga ipino-post niya sa Instafan! “Anong sabi mo?!” Lalapit na sana siya para saktan ako pero bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang organizer ng carshow. Mabuti na lang, ayaw kong makipag-away ngayon, wala ako sa mood. “Ibibigay na ang talent fee, halina kayo.” Inirapan ko na lamang si Patty bago ako lumabas ng dressing room. Paglabas na pagkalabas ay naabutan ko na si Sir Gideon na nakatayo sa may hamba ng pintuan. Halos mapatalon pa nga ako sa gulat! “Papatayin n’yo ho ba ako sa gulat?” Tanong ko saka napahawak sa dibdib dahil sa kaba. Umangat ang kilay niya bago sinuyod ng tingin ang suot ko. “You look different.” Malalim na buntonghinunga ang pinakawalan ko. “Ay, Sir, alangan namang magpa-sexy pa ako pauwi naman na ako.” “Ihahatid na kita sa inyo.” Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla. “Naku, huwag na—” “Tabi nga! Harang sa daan!” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang may bigla na lang tumulak sa akin. Hindi na ako nakabalanse, natumba ako! Ngunit bago pa man ako matumba, may sumalo sa akin. Ang mabangong amoy ng pabangong panglalaki ang nasubsoban ko. Ang kamay ko, napahawak sa matigas niyang dibdib! Napapisil tuloy ako roon para kumpirmahin kung dibdib ba talaga ‘to? Bakit parang… “Ehem!” Mabilis na napatayo ako nang maayos. Pakiramdam ko ay namula ang buo kong mukha dahil sa kahihiyan? Ba’t may papisil-pisil pa akong nalalaman? “Teka lang, kukunin ko lang ang talent fee ko!” sagot ko sabay walk out. Hindi naman na niya ako pinigilan. Pagkatapos kong kunin ang talent fee ko ay naabutan ko siyang naghihintay sa labas, sa harap ng kotse niya. “Sir, hindi na po ako magpapahatid sa inyo.” “Didn’t I tell you that we need to talk?” he asked. Iyon nga ang iniiwasan ko. Ayaw ko sanang mag-usap kami kaya nga ayaw kong sumabay. Pero hindi ko na siya maiiwasan ngayon kaya pumasok na ako sa kotse niya nang pagbuksan ako ng pinto. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan ang kabahan. Paano ba naman, panay ang sulyap niya sa akin pero hindi naman nagsasalita. Kaya nang mapagtanto kong hindi naman talaga siya magsasalita kung hindi ako mauuna, inunahan ko na bago pa mapanis ang laway ko! “Sir, pasensya na po kung may nalabag man ako sa usapan nating dalawa. Buryong na buryong na po talaga ako sa bahay nang dahil sa kahihintay na tawagan mo ako.” “Buryong?” tanong niya sa slang na tono. Itinikom ko ang bibig ko dahil medyo natawa ako sa paraan ng pagkakasabi niya. “Boring po, Sir. Hindi po ako sanay na hindi ako nagtatrabaho.” Muli siyang sumulyap sa akin bago niya inililo ang sasakyan at inihinto sa gilid ng highway. Nagtatakang nilingon ko siya. “Bakit po?” Doon niya pa lang ako nilingon gamit ang namumungay niyang mga mata. “Live with me, then.” Tumaas bigla ang plakado kong kilay sa tanong niya. “Huh? Ano ho, Sir?” “I said, live with me.” Napasinghap ako nang ma-realize na hindi ako nagkamali sa narinig ko. Tama na nagtutuli ako kaninang umaga. “At bakit naman po ako titira kasama ka? Ayaw ko ngang makipag-live in. Excuse me, exclusive parausan mo lang ako, Sir. Hindi ka-live in. Baka mamaya ma-in-love ka pa sa akin. Kakahiya naman sa ‘yo, mayaman ka pa naman at hampaslupa lang ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD