KABANATA 5:
MAHAL ko si Mama kaya kahit na madalas na kakausapin niya lang ako nang dahil sa pera, hindi ko siya matiis. Kahit na kasumpa-sumpa ang pag-uugali niya pagdating sa amin, hindi ko pa rin siya magawang iwan. Ako ang panganay sa aming magkakapatid at nakita ko kung paano naghirap si Mama noong mga panahong ilang beses kaming iniiwanan ng mga kinakasama niya. Kahit pa masakit siya kung magsalita pagdating sa amin, hindi niya kami iniwan. Hindi niya kami pinabayaan… Kaya kahit na inis ako sa kanya kung minsan, tinatanaw ko pa rin ang pagpapalaki niya sa amin.
“Bakla, kumusta? Nag-s*x na ba kayo ni Sir Gideon?” bungad na tanong sa akin ni Sazha pagpasok ko sa club.
“Iyan talaga ang ibubungad ninyo sa akin matapos ng isang Linggong hindi ko pagpunta rito?” balik-tanong ko.
“Hindi naman sa gano’n pero gano’n na nga. Malaki ba?” hirit na tanong pa ni Rina.
Umikot ang mga mata ko at marahang tumango. “Well, oo. Pero wala namang kwenta kasi hindi naman niya ginagamit…”
Pareho silang napasinghap sa sinabi ko.
“Anong walang kwenta? Hindi tumitigas?”
“Mabilis bang labasan ‘te?” gatong pa ni Rina.
“Virgin. Kaya pala kinuha ako para tutor.”
Ngayon naman ay nanlaki ang kanilang mga mata at saka parehong nagkatinginan. Ilang saglit lang ay nagtilian ang dalawa na animo’y kinikiliti ang mga tinggel. Ako naman itong nakatingin lang sa kanila, nagtataka.
“Bakit parang pinagkakaisahan ninyo yata ako?” taas ang kilay na tanong ko.
“Naku girl, iyan nga ang masarap. Never been kissed, never been touch! Kapag natuto iyan at kaya na niyang kunin ang kiliti mo. Nakaka-proud! Kailan kaya ako makakatikim ng hot na papsy na kagaya ni Sir Gideon?” malanding ani Rina.
Napangiti na lamang ako sa mga kaibigan kong walang inisip kundi s*x pa rin kahit na iyon na nga ang mga trabaho namin. Na-miss ko ang pumunta rito sa Reddish Strip Club. Nakaka-boring din naman pala kasi ang walang ginagawa at tumirik na lang ang mga mata sa kahihintay kung kailan ako tatawagan ni Sir Gideon. Ewan ko nga kung tatawagan pa ba ako no’n kaya tinext ko na kahapon dahil isang Linggo na ang nakalipas mula noong ginawa namin iyon. Mabuti at nag-reply kaagad. Ang sabi niya’y busy siya at hindi mahanapan ng time. Tatawagan na lang daw ako.
“Ito kaya ang isuot mo, Sazha?” Inangat ko ang kulay maroon na lace bikini na nakita ko sa may isang stand na naroon.
“Iyan! Bet ko ‘yan!” bulalas ni Sazha saka iyon kinuha mula sa akin.
Lumipas muli ang dalawang araw na hindi naman talaga ako tinatawagan ni Sir Gideon. Kapag tini-text ko naman iyong secretary niya, sumasagot naman. Kaya imbes na tumirik ang mga mata ko sa kahihintay kung kailan ba ako tatawagan, nagpasya akong tumanggap ng gig sa isang car show.
“Finally, Star Morello! Nagkita rin tayo. You look more beautiful than what I expected!” Masayang bati sa akin ni Mamsh Lea. Siya ang baklang organizer ng event na ito.
“Thank you po sa pag-contact sa akin.”
“Oo naman, maganda ang feedback sa akin ng mga kakilala kong nag-hire din sa iyo before. Marami daw ang napapabili sa in-a-advertise mong item.”
Napangiti ako sa sinabi ni Mamsh Lea. Ganoon nga naman talaga ang feedback nila sa akin. Palaging sinasabi na nang dahil sa akin ay napapabili bigla ang customer. Ang totoo, paanong hindi sila mapapabili kung magaling din naman akong mang-salestalk? Kung ganda lang naman at katawan, siguradong nakakahalina na ako, paano pa kung magalung akong kumuda, mang-uto ng customer para mapabili kahit ang mahal ng presyo ng in-a-advertise ko!
Pagdating sa may dressing room, naabutan ko roon ang ilan sa mga kakilala kong nakakasama ko na rin sa mga ganitong raket. Mini-make-up-an na sila ng makeup artist pagdating ko.
“Valerie! Hala? Ganda mo pa rin, girl!” Bati sa akin ni Patty.
Nakipag-beso ako sa kanya kahit na alam kong plastic iyon. Noong huling pagsasama kaya namin sa car show, sinabunutan ako ng bruhang iyan! Naiinggit siya dahil ang daming nag-i-inquire sa akin kahit na hindi pa tapos ang car show. Sinabihan ba naman akong bida-bida!
“Ikaw rin, ang ganda mo!” sagot ko.
Alam kong plastic iyon, pero sa mundong ito kailangan mong magbait-baitan para makasabay sa agos ng mundo.
“Valerie, make-up-an na kita! Malapit nang magsimula ang show!” tawag sa akin ng make-up artist.
“Ito na po!” sagot ko sabay sulyap kay Patty. “Bye, kita tayo mamaya!”
Tumango lamang siya saka ngumiti ngunit nang paalis papunta na ako sa makeup artist, kitang-kita ng gilid ng mata ko kung paano siya umirap. Hindi ko na lang pinatulan!
Nag-umpisa ang show at ang gaganda ng mga kasamahan kong model. Ang lahat ay nagse-sexy-han at naggagandahan. Pero nasa akin ang isa sa pinakamahal na kotse ngayong gabi.
Abala ako sa pag-mo-model sa harap ng kotse nang mapansin ko ang pamilyar na lalaki. Nakatayo siya katabi ng organizer, kinakausap siya nito ngunit tila ba hindi siya nakikinig dahil titig na titig siya sa akin. s**t, hindi ko naisip na pwedeng pumunta pala siya rito!
Aba malay ko ba? Malay ko bang sa dinami-rami ng car show, dito siya pupunta? Kinabahan tuloy ako! Hindi ko alam kung labag ba ito sa kasunduan naming dalawa dahil hindi ko naman binasa ang kontrata pero sana naman hindi ito labag. Boring na boring na ako sa buhay ko habang naghihintay na contact-in niya ako para magkant*tan na kaming dalawa!
Kabang-kaba ako hindi dahil baka nalabag ko ang kontrata pero dahil sa paraan kung paano siya makatitig!
“Excuse me, Miss? May anong mga available colors ng kotse na ito?”
Natigila ako sa pakikipagtagisan ng titigan kay Sir Gideon nang isang gwapong lalaki ang tumigil sa harap ko at nagtanong. Agad kong inalis ang takot sa aking dibdib at dumiretso sa pagtayo para kausapin ang lalaki.
“Sir, we have three variation colors, such as navy blue, yellow and red. Hybrid type na rin po ito!” sagot niya.
Ang totoo ay binasa ko lang kanina ang ilang detalye ng kotse na ito. Mabuti at hindi pa ako nag-uulyanin, tanda ko pa ang mga binasa ko.
“I really like this car. Kailan ilalabas ang model na ito?”
“You can avail na po, Sir! After this car show ay ilalabas na ang model ng car na ito.”
Lumapad ang ngiti ng lalaki saka naglakad palapit sa akin. “Pati ba ikaw na model, pwedeng ilabas?” tanong niya.
Umawang ang labi ko at akma sanang sasagot nang may bigla na lamang humawak sa balikat ng lalaking kaharap ko at pumagitna sa amin si Sir Gideon.
“If you don’t mind, you can just avail the car, not my girlfriend.” Nag-angat ng tingin si Sir Gideon sa lalaki saka ngumiti.
Habang ako ay natulala, kakaba-kaba dahil siguradong may nalabag nga yata ako sa kontrata!