(Niall) "ETO na lang panuorin natin!" "Hindi, 'wag 'yan! Ang boring niyan! Mas maganda 'to!" "Mas maganda kaya 'to!" "Ito kaya!" Pinanunuod ko lang sina Erin at Chun na kasalukuyang nagtatalo kung anong papanuorin naming movie na showing ngayon sa sinehan. Iba-iba kasi ang gusto nila. Erin wants to watch comedy while my cousin prefers action. Hindi na 'ko makisali. Bahala silang dalawa. Whatever the decision would be, edi do'n na din ako. And at last, we ended up buying three tickets for a movie that has a comedy genre. Sabi ko na nga hindi na 'ko makikisali sa pagtatalo nila kasi alam kong sa huli, si Erin pa rin ang mananalo. Ganyan naman lagi, makikipagtalo kami ni Chun sa kanya sa una pero sa huli siya pa rin ang nasusunod. "Text mo din sina Pierce at Enrique na sumunod, Chun!"

