(Sia) ILANG araw lang matapos kong makalabas sa hospital, hindi ko akalaing makakapunta ulit ako sa panibagong hospital. Ngunit sa pagkakataong 'to hindi na dahil sa akin kundi dahil sa tatay kong sinugod sa pinakamalapit na hospital sa probinsya namin. Nang tumawag si nanay at sinabi ang tungkol dito, hindi na ako nagdalawang isip pang magpaalam kay sir Anthony na uuwi ako sa amin at pinayagan naman kaagad niya ako. "Ano po bang nangyari, nay?" nakahilot sa sentido at mangiyak-ngiyak kong tanong kay nanay na siyang nagbabantay kay tatay sa male ward. "Ang tatay mo, Sia. Inatake nalang bigla sa puso at nahimatay habang nagsasaka kami sa palayan." malungkot namang sinabi ni nanay. "Ano pong sabi ng doctor pagkadala niyo sa kanya dito?" "Mild stroke, anak. Dahil sa pagod at sa init sa