5- "Stop right there!"

1400 Words
Sa kalagitnaan ng pagkamangha, naalala ko bigla yung classroom ko. Sa laki ng paaralan at sa dami ng buildings at classrooms, saan ko naman hahanapin yung classroom ng first year Business Administration?! Hay! Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Saan ako magsisimula? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip kung saan ako magsisimulang maghanap nang masagi ng pansin ko ang iilang kababaihang mahinang nagsisitili at mukhang kilig na kilig na nagbulungan habang tinitingnan at tinuturo ang nasa likod ko. Nasa likod ko? Matingnan nga! Nang lingunin ko'y nakita kong paparaan si Niall Montogomery... Seryoso at walang kangiti-ngiti ang mukha niya habang naglalakad. Nakauniporme at nakapanlalaking mukhang mamahalin at branded na sided bag sa kanyang gilid. Ah, so, ito yung tinitilian at kinakikiligan ng mga babae dito sa St. Porter. Ito?! Talaga? Seryoso? Ang suplado, bugnutin, walang modo at mukhang snob pang lalaking ito?! I can't believe it! "Sir Niall!" tawag ko nang dumaan siya sa harap ko na parang hindi man lang niya ako nakita. Ganyan ba talaga 'yan s'ya? Hindi nakakapansin ng kakilala? Well, hindi ko naman sinasabing close talaga kami pero eh? Kilala naman na niya ako 'diba? Sabagay, yung mga babae nga'ng mukhang may gusto at patay na patay sa kanya parang wala siyang pake, ano pa kaya sa akin na kinaiinisan niya? Pinakawalang pake! Patamad na nilingon niya ako. "Don't follow me." "Eh? Pero sabi ng daddy mo, bantayan kita eh." Inirapan niya ako't hindi na muling nagsalita pa tapos naglakad na ulit kaya sinubukan ko pa ring habulin. "Uy, teka naman!" Hindi niya ako pinansin kaya hinawakan ko na talaga siya sa braso. "Teka!" Nilingon niya ako at ang sama na ng tingin niya sa akin. Ayan na naman yung tinginan niyang mukhang kakainin ako ng buhay! Natakot ako't awtomatikong napabitaw sa pagkakahawak ko sa kanya. Pansin ko din yung gulat at inis sa reaksyon ng iilang kababaihang nanunuod sa amin. Dinig ko pang nagbulung-bulungan yung iba na 'who is she?' 'sino s'ya para hawakan si Niall' 'ang kapal ng mukha ha!' 'ang lakas naman ng loob niya!' 'kaimbiyerna!'... Okay. I realized what I just did. Hindi ko dapat ginawa 'yon kasi kahit first day palang mukhang magkakaroon na ako ng bashers at haters dito sa paaralan! Why? Because they think I have something for Niall. Pero wala 'no! Trabaho ko lang ang gagawin ko at 'yon ang bantayan s'ya tulad ng bilin ng daddy niya at kung pwede sana magpapaturo ako sa kanya kung nasaan yung classroom ko... but scratch the latter. Sa tingin ko, hindi kasi siya yung tipong tumutulong sa mga nangangailangan kaya yung una nalang at 'wag na yung pangalawa. 'Yan lang naman rason ko kung bakit ko sinusundan 'tong bugnutin na 'to, wala nang iba pa at mas lalong wala akong gusto dito 'no! "Tatantanan mo ako o gagawin kong miserable buhay mo?" marahan ngunit puno ng pagbabanta niyang sinabi. Ay? Grabe s'ya oh! Edi ikaw na! And the best sindak award goes to you kasi nasisindak nga ako! Tinalikuran ulit niya ako at nagpatuloy siya sa paglalakad. Ako nama'y tahimik na sinundan na lamang siya. Lumiko siya sa isang banda kaya lumiko din ako para sundan pa rin siya. Mukhang hindi naman niya nalalaman kaya okay na 'to. Ito nalang ang magiging paraan ng pagbantay ko sa kanya, tipong susundan ko s'ya nang hindi niya namamalayan- Napahinto ako nang huminto siya bigla. "Stop right there or else I'll do what I did to you the first day we've met." puno ng pagbabantang sinabi niya habang hindi ako nililingon. Okay, I got it. Alam niya, ramdam niya at hindi siya tanga na sinusundan ko siya. Edi s'ya na malakas ang senses! Tss. Pero nakakatakot yung banta niya ah! Pakiramdam ko inurungan bigla ako ng mga paa at nanindig ang mga balahibo ko. Ano nga bang ginawa niya no'ng first day kaming nagkita? Hinalikan lang naman niya ako nang magmatigas ako sa gusto niya! Luh? 'Yon ang gagawin n'ya ngayon? At dito talaga sa school? Hala! I braced myself. 'Wag naman, please... Nanlambot pang lalo ang mga tuhod ko nang nilingon niya ako, unti-unting nilapitan kaya napapaatras ako. Bigla pa niyang hinawakan ang baba ko. "Tss! The hell!" And with that, he continued walking and then he passed another hallway. Hindi ko na nasundan kasi hindi halos ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil pa din sa kaba sa banta niya. Hinawakan ko ang dibdib ko at dinig kong malakas pa din ang pintig nito. Kinakabahan ako ng ganito kasi alam ko at halata naman talaga kay Niall na wala siyang sinasabi na hindi niya ginagawa... kaya nakakakaba talaga oras na nagbanta siya! Narinig ko ang school bell kaya nataranta bigla ako. I looked at my wristwatch and saw that it's already 8:03 in the morning. Oh my? 8:00 AM pa naman ang first class ko at unang araw ko pa lang 'to tapos mukhang male-late pa yata ako! Tiningnan ko yung schedule paper ko at nakitang 8:00 AM nga talaga ang first class ko. It's already 8:03 and yet hindi ko pa alam kung saan hahagilapin ang classroom ko! Nagtanong-tanong nalang ako sa mga dumaraang mga kapwa ko estudyante kung nasaan ang building ng college of Business Administration at sa awa ni Lord, may nakapagturo nga sa akin kung saan ko matatagpuan kaya nang umakyat ako ng building ng B.A, hindi na masyadong naging mahirap sa akin ang paghahanap ng room number ko. May room number naman sa sched paper ko at may room numbers ding mga nakapaskil sa bawat silid-aralan kaya sa wakas natunton ko din ang classroom ko. Mahigpit ang kapit sa sling ng bag ko nang binuksan ko ang pinto. Nakita kong kaswal na may iniinstruksyon pa lang naman ang teacher at mukhang hindi pa naman nagsisimula ng formal na klase. Pero yung mga mata ng mga magiging kaklase ko talaga ay nakatuon na sa akin, 'yan tuloy nakaramdam na naman ako ng hiya! "Hija, dito ang klase mo?" tanong ng lalaking teacher na nakasalamin. "Opo, sir." nakayuko kong sagot. "Sorry po kung late ako." "Ayos lang. Pasok ka." Nakahinga ako ng maluwag ng pumasok. Mabuti naman at mukhang mabait itong teacher sa first period at hindi gaanong istrikto kasi kung nagkataon, kakainin na siguro ako ng lupa sa kahihiyan. "Please introduce yourself." "Hi. I am Messiah Apolinario." Wala namang anumang reaksyon mula sa mga kaklase ko. Okay, I got it. Iba talaga ang private sa public. Yung mga estudyante kasi sa public, hindi kasing pormal at tahimik ng mga estudyante dito sa private. Sa public, kapag may bagong estudyante na nagpakilala sa gitna, ingayan kaagad lalo na yung mga kulang sa pansin na mga loko-lokong estudyante tapos kanya-kanyang trip para magpasikat at magpakita ng pagiging friendly o yung iba pa kapag maganda yung bagong dating ay kanya-kanyang style ng pagpapapansin at pagpapapogi. Nakakamiss din palang maging high school at mag-aral sa probinsya! "Okay. You may now take your seat, hija. Right there." itinuro nito ang kaisa-isang natira na bakanteng upuan. "Beside the window and second to the last." Naglakad nga ako papunta roon, and to my surprise, nakita ko si Niall sa pinakadulo! So, magkaklase lang pala kami? At yung upuan pa talaga niya ay nasa likod ko lang! 'Nak naman ng kamalasan oh! Prente siyang sumandal sa upuan niya't nakadekwatrong nag-crossed arms habang patamad na pinanunuod ako sa pag-upo. "Hanggang dito ba naman susundan mo pa ako?" aniya. Nilingon ko siya saka agaran akong umiling. "Hindi. Hindi ko alam na magkaklase pala tayo." Eh sa hindi ko naman talaga alam eh! "Ayaw mo talaga akong tantanan ha?" patuloy pa niya. "Hindi nga! Maniwala ka sa akin, hindi ko talaga alam." sabi ko sa pinaka-convincing kong tono. Hindi na siya nagsalita pa't tinititigan lang ako. Umupo nalang ako ng maayos at tinalikuran siya. Bahala siya kung ayaw niyang maniwala basta ako, nagsasabi lang ako ng totoo! "Ay butiki!" wala sa oras na napasigaw ako sa gulat nang bigla-bigla nalang niyang sinipa ang upuan ko. Malakas iyon na nagulat talaga ako pero hindi naman masyadong malakas na tipong matutumba ako. Pero nagulat talaga ako at ang nakakahiya pa'y naagaw ko na naman ang atensyon ng halos lahat ng mga taong narito sa loob ng silid aralan namin! Evaaaaaan!!! "What's that, miss Apolinario? Is there something wrong?" Pilit na ngumiti ako kahit hiyang-hiya na talaga ako. "Wala po, sir. Nagulat lang po. Sorry po." Kapagka minamalas ka nga naman, oo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD