"GOOD morning po, sir Anthony." magalang at nakangiti kong bati paglabas ko ng kwarto.
Tamang-tama pa't nasalubong ko si sir Anthony.
"Wow! You look cute sa uniform mo, hija!" mabait niyang puna sa suot ko.
Nahihiya na natutuwa ako. Ang ganda nga ng uniform pero hindi ako masyadong confident na bagay ito sa akin at madadala ko ito ng maayos.
"Salamat po."
"By the way, ready ka na sa first day of school mo?"
"Ready'ng-ready na po!" hyper kong sagot.
Syempre, papasok na ako sa kolehiyo at pangarap ko talaga ito kaya walang rason para hindi ako makaramdam ng excitement!
Nakangiting tumango siya. "That's good to hear. Goodluck. Sana maging maganda ang unang araw mo sa eskwela."
Tumango-tango ako. "Opo, sir."
"Anyways, yung bilin ko sayo ha? Keep an eye on my son. Okay?"
Kahit alam kong hindi magiging madali, kakayanin ko! "Okay po."
"Halika na? Mag-breakfast ka muna bago ka umalis."
Nahihiyang umiling ako. "Ah, hindi na po, sir. Nag-umagahan na po kasi ako kanina pa bago ako naligo eh."
"Ah gano'n ba?"
"Opo."
Bumaba kami ng hagdan at tama namang pagkababa namin lumabas si Niall mula sa dining area. Marahil ay katatapos lang mag-agahan at pupunta nang paaralan. Yung ayos kasi n'ya ngayon ay estudyanteng-estudyante. Naka-uniform ng katulad ko pero syempre pang lalaki lang yung sa kanya.
"Niall!" tawag ni sir Anthony sa anak.
Napatingin ito sa aming gawi at kita ko ang bahagyang pagkatulala niya nang makita ako. What's wrong? May problema kaya sa mukha ko? O hindi ba bagay sa akin ang suot kong uniform? At bakit ba naco-conscious akong bigla!
"Ahem!" kunwa'y umubo si sir Anthony. "Matutunaw 'yan kung tititigan mo lang..." makahulugan niyang sinabi na parang may pinaparinggan at gustong ipahiwatig.
Pero ano daw? Hindi ko gets! Anong matutunaw? May ice ba dito? Wala naman ah! Ano kayang ibig niyang sabihin?
Agarang binawi ni Niall ang tingin sa akin. "Don't assume and stop talking nonsense." aroganteng sagot lang niya sa daddy niya.
Seriously? Ganyan talaga niya kung sagutin at itrato ang papa niya? Grabe! Dinaig pa niya ang yelo sa lamig ha!
"First day ni Sia ngayon sa school." ani sir Anthony.
"Oh eh ano ngayon?"
Grabe talaga 'to! Oo na, ikaw na ang walang pake! Naku, kung hindi ka lang talaga anak ng taong tumulong sa akin eh! Hay!
"Wala lang. Baka lang kasi interesado ka."
"Wala akong interes sa isang babaeng patpatin na kinulang sa sustansya."
Ayan na naman tayo eh! Sige, laitin mo pa ako! Kahit ano pang sabihin mo, hindi mo ako mapapaatras sa pagkamit ng pangarap ko kaya sige lang!
"Wag nagsasalita ng patapos baka kainin mo 'yan sa huli..." patuloy pa din ng ama niya.
"Wala ka na bang ibang sasabihin? Aalis na ako."
"Bukod sa pinapaalala ko sayong babantayan ka ni Sia, wala na."
Dahil sa sinabi ni sir Anthony, binalingan bigla ako ni Niall at nanliit ang kanyang mga mata. Ang sama ng tingin niya na para bang anumang oras ay handa na siyang kainin ako ng buhay!
Nanliit ako't nanginig bigla ang aking mga tuhod. Kinakabahan ako, ano ba 'to!
"Don't tell me sasabay pa 'yan sa akin papunta sa eskwelahan? Tss." umismid siya't tinantanan din sa wakas ako ng mga mata niya. "My car has no space for a muchalalalala!"
Muchalalalala? Ay grabe na talaga ha! Sia lang pangalan ko, hindi muchalalalala kaya ba't mo pa kailangang pahabain?!
Inirapan niya ako bago tuluyang lumabas at sumakay sa makintab na kulay pula at mukhang mamahalin niyang sasakyan. Open air pa iyon at ilang sandali pa'y humarurot na paalis.
Okay, alam ko naman talagang walang space para sa mga isang katulad kong katulong lang ang kotse niya. Alam ko 'yon at tanggap ko naman 'no! He's very rich and I'm just nothing...
"Hija, pagpasensyahan mo na ang bunganga ng gagong 'yon." sabi ni sir Anthony sa akin habang pareho naming pinanunuod ang mabilis na pag-alis ng kotse ng kanyang anak.
Ngumiti ako sabay iling. "Wala po 'yon sa akin, pasasaan ba't masasanay din po ako, sir."
"Hija..." hinarap niya ako tapos tinapik sa magkabilang balikat. "No matter what it takes, please 'wag mong susukuan ang anak ko ha? 'Wag mong susukuan si Niall."
Parang natutunaw ang puso ko sa nababatid kong sinsiridad sa seryosong boses ni sir Anthony habang sinabing 'wag kong sukuan ang anak niya. Nakikita ko rin ang labis na pag-aalala sa kanyang mga mata habang pinag-uusapan si Niall. I know it. He's a father and no matter how jerk his son is, nangingibabaw pa rin talaga ang pagmamahal niya bilang ama.
Naalala ko tuloy bigla ang tatay kong naiwan sa probinsya... Hindi man ako kasing walang modo at suplado ni Niall pero ramdam ko din yung pagmamahal at pag-aalala ng ama ko sa akin katulad nitong kanyang ama.
Siguradong tinanguhan ko si sir Anthony. Alang-alang sa amang nag-aalala para sa anak at alang-alang na din sa pangarap ko, gagawin ko 'to. "Opo, sir. Babantayan ko po at hindi ko po susukuan si sir Niall kahit na ano pa pong mangyari."
"Salamat, hija. Anyway, sumabay ka nalang sa akin papunta sa eskwelahan n'yo. Madadaanan din naman iyon bago ako makarating sa opisina ko."
Agaran akong umiling. Sobra-sobra nang tulong ang ginawa niya na tinanggap akong magtrabaho habang nag-aaral, hindi ko na kaya pang tanggapin pati ito. Masyado nang nakakahiya at alam ko ring makakaabala pa ako sa kanya. "Wag na po, sir. Magtataxi nalang po ako."
"Sigurado ka, hija?"
"Sigurado po, sir Anthony."
Tumango siya't hindi naman na nagpilit pa. Ako nama'y mahigpit ang hawak sa sling ng shoulder bag ko bago tuluyang lumabas ng gate para magpara ng tricycle na masasakyan.
Ilang minuto lang at nakarating din ako sa St. Porter University. Masyado akong namangha habang palinga-linga sa paligid at bawat sulok ng paaralan. Grabe! Hindi ko alam kung saan ako titingin kasi ang laki-laki talaga!
Modern na modern ang bawat istraktura at desenyo ng mga paaralan at buildings... Ngayon lang ako nakakita at nakapasok sa ganito kalaki at kagandang paaralan. Sus! Dati nga walang second-second floor sa amin! Tag-iisang palapag lang tapos dikit-dikit pa yung rooms tapos yung iba nga sira-sira at butas-butas pa kaya kapag umuulan tumutulo yung bubong tapos minsan hindi na kami magkaklase kasi nagulo na! Pero ang isang 'to talaga, iba! Masyadong maganda at mukhang matitibay ang bawat classrooms tapos bawat room ay salamin yung bintana. Sa amin nga dati de-kahoy lang eh!