(Niall) "Hanapan nalang natin 'tong si Niall ng ka-match make n'ya!" Ang gagong si Enrique, ako na naman ang nakita matapos libakin si Chun na hindi namin kasama ngayon sa canteen! "Haha. Sounds exciting! Game!" hyper namang sumang-ayon si Pierce. Tsk! Isa pang gago. Nilibot ng dalawa ang mga mata sa buong canteen para maghanap ng babaeng ipapares umano sa akin. Tss. I know, they are both assholes and womanizers, but damn? I am not as sick as them! Hindi ako ganoong uhaw sa babae katulad nila na kahit kahoy na pagpapaldahin, papatusin pa! Minsan nga nagtataka na rin ako kung bakit ko ba naging kaibigan 'tong mga asungot na 'to! "Tss! Tigilan n'yo 'kong dalawa!" walang interes ko nalang na sinabi sa kanila. At ang mga gago, wala ring pake sa sinabi ko't nagpatuloy sa paghahanap. "