Nilibot ng dalawa ang mga mata sa buong canteen para maghanap ng babaeng ipapares umano na babagay sa kaibigang si Niall. "Tss! Tigilan n'yo 'kong dalawa!" walang pake lang naman na sagot ng huli. Mukhang walang pake lang din sina Enrique at Pierce sa sinabi ni Niall at nagpatuloy sa paghahanap. Agaran namang akong napaiwas nang tumingin si Enrique dito sa gawi ko. 'Wag mo 'kong matingnan-tingan ng ganyan! 'Wag ako! Binabalaan kita! "Ha! I knew it!" kaagad na palatak pa niya nang akmang nakahanap ng babae. "Saan, Ric?" excited namang tanong nung Pierce. "There! That cutie chick right there." turo ni Enrique sa akin. What the hell? Bakit sa dinami-rami ng mga babaeng kumakain dito sa canteen ay ako pa talaga ang nakita at napagtripan! Kapag ka minamalas ka nga naman, oo! Tiningnan n