Bahagyang nagulat ako sa sinabi niya. Pinuri niya ako? Talaga? Pinuri talaga niya ako? O baka naman mali lang ako ng dinig? Pero narinig ko talaga eh! Imbes na magsalita, nginisihan ko lang siya tapos tumuwid ulit sa pagkakaupo. Syempre! Kahit probinsyana lang akong bumaba sa patag galing ng bundok, may nalalaman din naman ako! Kahit galing lang ako sa probinsya, gum-raduate din naman akong Valedictorian ng batch namin 'no! Kaya kung hindi man ako makasabay sa payamanan at pasosyalan sa mga estudyante dito sa St. Porter University, at least sa patalinuhan kaya ko rin namang kumembot! Ang ganda na ng takbo ng utak ko nang bigla nalang niyang hinila ang buhok ko. "Tss! Yabang!" "Araay!" napadaing ako sa gulat at sakit ng ginawa niya. Patamad na binitawan din kaagad niya ako. Badrip nama