"KUMUSTA ang first day kahapon, hija?" Napalingon ako kay sir Anthony. Naglalakad s'ya palapit dito sa akin sa sala habang tinutupi sa siko niya ang laylayan ng kanyang polo. Natigil muna ako sa pagwawalis. "Ayos naman po, sir!" hyper kong sagot. Maayos naman talaga. Kahit hindi maayos kay Niall, at least kay Chun hindi na rin naman na masama. Kung ano talaga ang ikinainit ng ulo ng nauna sa akin, siya ring ikinabait ng huli! Ngumiti siya't tumango. "That's good. Oh? Ba't hindi ka pa umaalis? Maaga klase mo 'diba?" Bagong ligo, nakauniform at nakaayos na kasi ako tapos nakahawak pa rin ako sa walis at nagliligpit ng dumi dito sa sala. "Alas otso pa naman po klase ko, sir. Eh kakaalas siete palang naman po kaya magwawalis na muna ako." Tumingin siya sa wall clock tapos tingin ulit s