Kung saan-saang fields kami nakarating at iba-ibang builing of courses yung nadaanan namin ni Chun. "This is the med and science laboratory, dito gumagawa ng experimentations yung mga estudyante from medicine courses or any science related courses..." paliwanag pa niya sa akin nang mapadaan kami sa building ng science laboratory. Tumango-tango ako, nakakasunod. Marami pa kaming mga dinaanan at marami din siyang mga tinuturo sa akin. "Hoo! Kapagod pala maglibot-libot at maging tour guide, upo muna tayo, Sia?" yaya niya sa akin nang nasa football field na kami. Wala pa namang mga naglalaro o nagpa-practice na players ngayon dahil marahil ay tanghaling tapat palang. Mainit pa ang sikat ng araw at paniguradong yung ibang mga manlalaro mula sa iba't-ibang department ay may mga klase