"O-oo!" mariing nakapikit niyang sagot. "Oo, oo, señorito!" "Better. By the way, back to the original case, bakit ka nagdadala ng back up sa oras ng trabaho mo sa akin, ha?!" nagtaas ulit ako ng boses. Tinitigan ko ang nasisindak niyang mukha. Mariing nakapikit ang mga mata niya't halata ang takot sa itsura. Parang gusto ko tuloy matawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Para kasi siyang daga na lalapain ng pusa sa takot! "Ah, Niall, walang kasalanan si Sia. Ako talaga ang naunang lumapit at nag-alok ng tulong sa kanya kaya 'wag ka nang magalit. Ako nalang ang pagalitan mo!" kaagad namang pagtatanggol sa kanya ng kasama niya. Nilingon ko nga ito. Nanliit ito at kaagad na umiwas. Halatang kinakabahan na rin. Tss, you're not my business and I don't care whatever you say! "Myra!" kaag