(Niall) "Niall!" Galing akong canteen dahil ginutom bigla at nang bumalik papasok ng building para sa susunod na klase pagkatapos ng isang oras na vacant, saka ko naman narinig si Chun na tinatawag ako. Huminto ako sandali at nilingon ko nga. "Oh?" Ngumiti siya't lumapit. "Kumusta, pare?" Cool na inakbayan pa ako. "Heto, buhay pa naman." plain kong sagot. "Kumusta din?" Tumawa siya. "Heto at nakakahinga pa naman!" "Anong kailangan mo?" direkta kong tanong. Alam ko kasing hindi 'to mapapadpad dito sa building ng B.A kung wala 'tong kailangan. "Napag-usapan namin nina Pierce at Enrique kahapon na matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapagpustahan. Namimiss na namin ang maglaro." aniya. Natigil ako't napaisip. Oo nga, matagal-tagal nang hindi kami nakakapagpustahang magkakaibigan.