15- “Sketch.”

1011 Words

Sumapit nga ang Linggo at maaga pang umuwi sa amin sa probinsya pero bago 'yon, syempre bumili muna ako ng pasalubong. Unang sweldo ko 'to eh kaya dapat lang may pasalubong! Saka hindi lang sa unang sweldo kundi dapat pati na rin sa pangalawa, pangatlo, at lahat ng mga panahong magsusweldo ako! Bumili ako ng Red Ribbon na rolled chocolate cake tapos litson manok sa Chooks To Go. Excited na talaga akong umuwi! Lalo pa't mas excited akong makitang maging masaya sila sa bahay dahil sa simpleng mga pasalubong kong ito. "Tay!" masiglang tawag ko sa ama ko nang bumaba ako sa tricycle na sinakyan ko pahatid dito sa bahay. Natigil naman siya sa ginagawang pagtatahi ng marahil ay sapatos ng kapatid ko sa eskwela. Nagulat siya't natuwa nang makita ako. "Sia anak?" "Tay!" hindi na ako nag-alinla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD