Tinitigan kong maigi ang babae sa sketch. Mukha itong kaedad lang ng daddy ni Niall. Kaano-ano kaya niya 'to? Imbes na pasakitan ang ulo ko kaiisip, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang kabilang building, sa computer laboratory. Tamang-tama namang pagkarating ko'y nakita kong narito pa si Niall sa labas at may tinitingnan na kung anong reminder sa bulletin board. Sinundan ko nga. Tahimik akong pumunta sa tabi niya para tingnan din ang tinitingnan niya. Napakunot-noo ako nang makita iyon, reminder tungkol sa paparating na sketch contest sa darating na celebration ng Buwan ng Wika sa August 15. Oo nga pala't first week na ngayon ng August at buwan ng wika na. THEME: Pagguhit ng mga Bayani ng Pilipinas na nagmahal sa sariling wika. "Sasali ka diyan, señorito?" sa wakas ay tanong