"SABI ko na sayo, kaya mo 'yan eh!" ani Sia sa akin nang naglalakad kami sa school field matapos kuhanin ang certificate of winning ko. Hindi ako tumunog. Nakapamulsa lang na nakauna sa paglalakad. Sabi ko nga kanina, 'wag na namin kunin yung certificate ko kasi aakyat na naman ulit kami do'n sa building ng I.T pero siya itong nagpumilit at hinila ako papunta ro'n. Papel lang naman yung certificate para sa akin, kaya aanhin ko pa 'yon. Pagsasayang lang ng oras at pagod kapag kinuha pa namin pero sabi niya, importante daw para remembrance. First time ko pa namang sumali sa ganitong contest kaya dapat pinahahalagahan daw ang simpleng certificate dahil bunga pa rin ng pagsisikap 'yon, bunga ng pagkapanalo. "Hay! Ang galing mo pala talaga, señorito Niall!" patuloy pa niya habang hawak ang